Pages

Wednesday, August 24, 2011

SIGARILYO

Isang maliit na pag-uusap kasama ang isang naninigarilyo.

Kailan ka nagsimula manigarilyo?
Third year highschool palang naninigarilyo na siya. 4th year college na kami ngayon. 
Bakit mo naisipang manigarilyo?
Wala lang. Peer pressure. Curiosity.
Never mo bang naging dahilan ng paninigarilyo ang stress at pagod?
Never. Kasi kahit hindi naman ako pagod at stressed naninigarilyo padin ako eh. 

 Sa normal na araw ngayon, nakakailang sigarilyo ka?
(Nagbilang siya sa kamay) Mga 10 siguro, ganun. Walang stress, walang inom, walang kahit ano. Normal na araw lang para sa kanya.
Hindi ka ba natatakot na magkasakit in the near future?
Hindi.
Diba may karelasyon ka, hindi ka ba niya pinigilan o pinahintong manigarilyo?
Pinigilan. Oo, binawasan ko. Pero kahit naman nabawasan ko naninigarilyo padin naman ako eh. Adik na siguro ako.