Pages

Sunday, September 11, 2011

Gusto kong mag-travel. Mag-travel mag-isa. Wala akong ibang dala kundi ang aking camera at pera. Wala akong dalang extrang damit o bag. Mga kung anu-anong burloloy o mga chararat sa katawan. Sapatos, tsinelas. Kung anong suot ko ng umalis ako, yun lang ang dala ko.

Minsan masarap yung nag-iisa ka lang. Mae-enjoy mo ang bawat minuto mo. Wala kang bagahe ika nga. Wala kang ibang aalalahanin kundi ang sarili mo. Hindi mo alam kung saan ka pupunta sa susunod na mga oras. At kung kailan ka babalik sa pinang-galingan mo. Hindi dahil sa nawawala ka. Pero dahil gusto mong sumabay sa agos ng mundo. Gusto mong gumawa ng desisyon na hindi planado pero kundi gawa ng oras at pagkakataon.

Gusto kong libutin ang mundo. Maapakan na paa ko ang iba't ibang lupain. Makita ng mga mata ko ang iba't ibang mga tanawin. Matikman ng dila ko ang masasarap at kakaibang mga pagkain. Walang kasama, ako lang. Ang kakwentuhan ko lang ay ang Diyos sa bawat pagtulog ko para sa panibagong araw.

Saturday, September 10, 2011

PEACE AND INFINITY.

To the ∞ and beyond.
Sa tagal nating ganito. Pakiramdam ko tuloy ngayon pa lang kita nakikilala ng lubusan. Pakiramdam ko, hidni pa ako kasama sa mundo at buhay mo. Na naiinis ako, dahil mas kilala ka pa ng ibang tao kesa sakin. Mas alam pa nila kung pano ka nabubuhay. Yung trato mo sa ibang tao ni hindi ko alam. Pano pag friends kayo? Pag close kayo? Ni kahit isang kaibigan mo, wala ata akong kilala. Ganun ka din sakin.

Sa tagal na ng panahon na ibinigay satin, bakit parang wala tayong narating? Bakit parang nagsisimula parin tayo hanggang ngayon? Bakit ganto ang pakiramdam ko?

Pero ano, mali padin ako. Kasalanan ko padin 'to. Demanding parin ako. Ganun naman palagi eh.