Kailan ka nagsimula manigarilyo?
Third year highschool palang naninigarilyo na siya. 4th year college na kami ngayon.Bakit mo naisipang manigarilyo?
Wala lang. Peer pressure. Curiosity.Never mo bang naging dahilan ng paninigarilyo ang stress at pagod?
Never. Kasi kahit hindi naman ako pagod at stressed naninigarilyo padin ako eh.
Sa normal na araw ngayon, nakakailang sigarilyo ka?
(Nagbilang siya sa kamay) Mga 10 siguro, ganun. Walang stress, walang inom, walang kahit ano. Normal na araw lang para sa kanya.Hindi ka ba natatakot na magkasakit in the near future?
Hindi.Diba may karelasyon ka, hindi ka ba niya pinigilan o pinahintong manigarilyo?
Pinigilan. Oo, binawasan ko. Pero kahit naman nabawasan ko naninigarilyo padin naman ako eh. Adik na siguro ako.
Isa ako sa mga tumikim at sumubok sa saigarilyo. Tumagal din ng ilang taon o buwan ang pagka-in ko dito. Hindi man araw-araw pero naninigarilyo padin ako. Mga 2-3 tuwing normal na trip ko lang. Umaabot naman ng 5 kapag umiinom kaming magkakaibigan.
Matapos ang ilang taong pagtikim. Huminto ako. Isang bagay na ipinagmamalaki ko. Hindi ito yung bawas-bawas lang. Dahil hindi naman ako adik sa sigarilyo. Isang araw, ayoko na bigla. Kahit isa lang. Di nagtagal, isa na rin ako sa mga ayaw makaamoy ng usok ng sigarilyo.
Sinubukan ko yun noon dahil sa curiosity rin. Dahil meron akong pananaw na mas mabuti nang alam ko ang feeling kesa hindi. Dahil ayokong maloko. Lalo na pag iba na pala ang laman nung sigarilyo, at least malalaman ko ang diperensya nito dahil natikman ko na yung sigarilyo talaga. Well, kakaibang pananaw nga ito. Pero ganun talaga ang dahilan ko kahit pati sa alak. Ayoko din na pagsisihan kung bakit hindi ko ginawa. Minsan lang naman ako mabubuhay dito sa mundo bilang tao, kaya habang andito ako lulubusin ko na lalong lalo na hindi pa ako sawa sa buhay ko.
Maaring na-try ko na nga ang paninigarilyo. Pero against padin ako dito. Takot akong magkasakit. Ayokong yun ang maging dahilan kung bakit ako mahihirapan pagtanda ko. O maaring makahawa ako sa ng sakit ko sa magiging mga anak ko dahil mamanahin nila. O di kaya sa mga second hand smoke na pinapasa ko sa mga maaring makalanghap o singhot nung usok na galing sa sigarilyo ko.
Sabi nga sa mga warning: Cigarette smoking is dangerous to our health.
YEs, Tama. Tama n yung natry mo n. :)
ReplyDelete